Wednesday, March 13, 2019

SALITANG NANGHIHIKAYAT


Karaniwang ginagamit sa pagkukumbinsi ng isang tao. Ginagamit din ito upang maghikayat ng isang mambabasa o tagapakinig na sumang-ayon sa kanyang pananaw tungkol sa isang isyu o pangyayari.

Mga halimbawa ng mga salitang panghihikayat.

1. Pagsang-ayon
Totoo, sigurado, tunay nga, tinatanggap ko, tama ka, marahil nga tama ka, talaga, totoo ang sinasabi mo, sadyang ganoon ang pangyayari,
walang duda, mahusay ang pananaw mo, katotothanan ang sinabi mo, at iba pang salita at pariralang kaugnay ng pagsang-ayon.

Halimbawa:
a. Galit si Adolfo kay Florante, siguradong malaki ang inggit niya sa binata.
b. Totoong mapagmahal na ama si Duke Briseo.

2. Pagtutol o Pagsalungat
Pero, subalit, dapatwat, ngunit, hindi ako sang-ayon, tutol ako sa sinabi mo, hindi maari
at iba pang salita at pariralang kaugnay ng pagtutol o pagsalungat.

Halimbawa:
a. Mainam at matalino nga siyang doktor sa ating bayan subalit siya ay masamang tao ayon sa mga lumalabas na ulat sa bayan.
b. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo

3. Pagbibigay-diin sa panindigang isyu:
Naniniwala ako… sapagkat, kung susuriin natin, mapatutunayang kung ganito ang mangyari…. tiyak na, at iba pang salita at pariralang kaugnay nito.

Friday, December 7, 2018

Ang kamera ay isang kasangkapan o aparatong nakakakuha ng mga larawan (litrato o piktyur). Sa Filipinas, tinatawag din itong kodak bagamat isang pangalan ng kompanya at tatak ng kamera ang Kodak. Kaya mayroong salitang magkodakan na nangangahulugang "magkuhanan ng litrato (sa pamamagitan ng kamera)."





Mga Karaniwang Anggulo ng Kamera


1. Long Shot/Establishing Shot- malayo ang pagkuha upang maipakita sa mga manonood ang kabuoan ng senaryo at lugar.



2. Medium Shot - kuha mula tuhod o baywang pataas upang magbigay pokus sa maaksyong detalye o dayalogo




3. Close-up Shot - kuhang may pokus sa iisang bagay at hindi sa paligid.





4. Extreme-Close up Shot - halimbawa ay ang pagpokus sa mata lamang.



5. High Angle Shot - mula sa itaas ang anggulo.



6.Low Angle Shot - sa ibaba nakaposisyon ang kamera.


7. Birds Eye view Shot - madalas ay ginagamitan ng aerial shot.





8.Panning Shot- Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan.



*Ang mga larawan ay kinuha mula sa google images upang maipakita nang maayos ang mga halimbawa sa bawat anggulo.

Tuesday, December 4, 2018


EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO NG PANANAW

1. Ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/ kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng at iba pa. inihuhudyat nito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:
A. Ayon/ batay/ sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika ng bansa.

B. Sa paniniwala/akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa.

C. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti ang kanilang plano.
d. Sa ganang akin/ Sa tingin/ Akala/ Palagay ko, wala nang gaganda pa rito.

2. Ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa at/o pananaw. Nagpapahiwatig ng pangkalahatang pananaw.


Halimbawa:

A. Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang sila’y matauhan.

B. Samantala, makabubuti sigurong magpahiga ka muna.