EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO NG PANANAW
1.
Ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/ kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala
ko/ ni/ ng at iba pa. inihuhudyat nito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan
ng isang tao.
Halimbawa:
A.
Ayon/ batay/ sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang
pambansang wika ng bansa.
B.
Sa paniniwala/akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon,
mas mabuti ang mala-impiyernong bansa.
C.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti ang kanilang plano.
d.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ Akala/ Palagay ko, wala nang gaganda pa rito.
2.
Ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa at/o pananaw. Nagpapahiwatig
ng pangkalahatang pananaw.
Halimbawa:
A.
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang
sila’y matauhan.
B.
Samantala, makabubuti sigurong magpahiga ka muna.
this really helps me, thank you.
ReplyDelete